Today is my Mama's 53rd Birthday.
From here |
Yehey! Busog na busog nanaman ako. Mama cooked spag and since it's her bday, I bought her a cake and an ice cream. Sweet!? Hindi naman talaga ako ganong ka-open kay mama. Naalala ko nung una nyang makita ung love letters nung ex-bf ko sa wallet ko. May I confront si muji.
Ma: Sino si Dan?
Me: ha? (nakikinig ako ng music nun. nakaearphone ako tas biglang may gentong banat? nagulat naman ako ng todo-todo! haha!)
Ma: Ikaw ha! Pumatol ka sa bading? Ayusin mo lang. Pag yan nalaman ni Papa.
Me: Wala un! hahah! sabay plug ulet ng earphones. (Nung time na un e break na kame ni Dan. Ndi ko pa naitabi ung mga corny lab letters na un. haha!)
Sige nga?! Kung ikaw ung sabihan ng mom mo? Anong reaction mo? Syempre parang gusto mong tumambling ng buong giliw dba? Haha! Pero lab na lab ko 'tong mama ko kahit na ndi ako masyadong vocal sa mga nararamdaman ko. At kahit na mejo nakakatorete ung boses nya pag nagagalit. Pag natataranta. Pag nakukunsumi. Love na love ko yan! Our Moms will definitely have a very special place in our hearts. Super saludo ako sa mga moms! Since the day we've been born they've been sacrificing a lot. Yung tipong kakainin na lang nila, ibibigay pa nila sa mga anak nila? Hehe. Maybe I'm just so lucky for having a mom like her. :)
In fairness, ngayon lang ako nagiging gento ka cheesy when it comes to my family ah. Dati hindi naman ako ganito. Dahil ba loveless ako ngayon? LOL. Tagal na rin ah.
Anyway, HAPPY BIRTHDAY MAMA! WE LOVE YOU! :)