I need some advice. :(

Help! I don't know what to do!

Case: What will you do if your boyfriend asks you if it is ok with you that his ex-boyfriend be his housemate? I mean, he'll let his ex-boyfriend rent one room in his pad. What will you do? What will be your initial reaction? Will you let this happen? Why?

Note: Both of them are in good terms. It has been 3 years since they broke up. And both of them still keep in touch.

HELP! :(

The voice of an innocent kid

Found this video on youtube accidentally and I wasn't able to keep my lacrimal glands unstimulated. Natouch lang te!? lols. Check this guys. :)


If ever, I would be delighted if this song will be played on my Requiem Mass (Sana matagal pa yun!). Hong gondo lang kasi talaga. hahah! :p

Pero come to think of it. Sino nga ba ako? Sino ka?

Part time online job?

Try this guys. http://www.clixsense.com/?4155605

Is it the weather or is it me?

I feel sad. I don't know. Is it because of this gloomy weather for this past days which makes me feel so so empty and lonely? Or is it because Ram is not here with me? Nakakalungkot talaga. Nasanay akong everynight kausap ko sya online. Katext. E dahil magkaiba kami ngayon ng timezone, hindi kami magpang-abot. Super busy pa naman nun kasi yung work na iniwan nya dito sa pinas e ginagawa nya rin dun sa canada plus yung work loads pa nya dun. Kaya wala na syang time. Kawawa naman. :(

Plus the fact na nawala pa yung phone ko nung isang araw. Haaay buhay talaga. Kelangan patung-patong? 

Namimiss ko na yung gagong yun. Hindi nagpaparamdam. Hindi nagmemessage sa fb, skype, ym or chikka man lang.

Pero ayos lang (hindi rin!). One month lang naman sya dun. -_-

Nga pala, dun ako ngayon natutulog sa unit nya. ALONE! Nakakapanibago. Mas lalo ko lang namiss yung kumag. Ano bang pwedeng gawin? hmmm... Madivert lang mga iniisip ko. Hehe. 

I lost my phone!!!

Syet! Nabiktima ako ng ipit gang sa bus kanina. :(((

Nakuha yung phone ko (Samsung Galaxy Y). Nakakainis. Ganon pala yung diskarte nung mga yun?

Gento kasi yung nangyari...

Sa bus,  halfway na ko sa trip ko nang biglang may mga sumakay na mga mama. Hindi ko maalala kung san sila sumakay bilang may kausap ako sa phone na friend ko. Take note, nakaheadset ako nun. So yun. Malikot sila. palipatlipat ng pwesto. Kung saan saan tumitingin. Nagsusurvey kumbaga. Mga mukhang construction workers sila e. E ako naman, bilang nakaexperience na rin akong maholdup sa jeep, mejo vigilant na ko sa mga gentong eksena. So dahil nga ganon na yung kinikilos nung mga mama, sinecure ko na gamit ko. Pababa na ko, tapos ko nang kausapin yung friend ko so nagpatugtog na ko using may phone--nang nakaheadset.

So Pagbaba ko, biglang nagtayuan din yung dalawang mama sa harap ko. At dalawa pang mama sa likod ko. Nang malapit na ko sa may driver, huminto yung dalawa sa harap ko. Tapos inipit ako nung nasa likod ko. Tinanong ako nung isa sa harap ko kung bababa ako. Sabi ko, OO! Tapos hinawakan nya bag ko (Nasa backpack ko yung lappy ko tsaka mga important documents) tapos sinabi nya na..."itaas mo bag mo! itaas mo!". Bilang masunurin akong bata, At hindi ako makasingit sa kanilang dalawa sa harap ko dahil nakaharang nga naman yung bag ko, ITINAAS KO NGA YUNG BAG KO! Ang gulo sa bus nung time na yun. Nakakataranta. Kasi nga baka lumagpas ako pag hindi ako dumaan. So maya-maya, Binaba na rin nung lalaki yung bag ko na hawak ko rin naman. Tapos bumaba ako with me thinking na--"anong problema nila". Pagbaba ko, sinalpak ko ulit yung earphones ko and I was shocked dahil wala ng tugtog. Kinapa ko yung phone ko sa left pocket ng pants ko, WALA NA!

Tapos naisip ko na baka yung apat na yun yung kumuha ng phone ko. E nakita ko silang pasakay ng tricycle. Hinabol ko ngayon! Action star lang. Sabi ko sa kanila... "Akin na phone ko! chever chever!" andami kong sinabi. Paulit-ulit!

"Umalis ka na jan! nakakaabala ka!" sabi nung isang mama habang pinapakiusapan ko sila. Aba! pinagmukha pa kong tanga nang sabihin sakin na andun sa bus yung phone ko. Sumakay daw ulit ako! Syet lang! Tapos bigla akong natauhan na pano kung saksakin ako nito dahil sa ang kulit ko. So I let them GO! Umalis sila sakay nung tricycle. mga ilang minuto rin akong paulit-ulit na kinukuha yung phone ko sa kanila. Pero failed. Hindi ko nakuha.

Nakakaiyak pala yun no! hahah! Pag narealize mo na kung pano kung may mangyari sayo kasi hindi mo na hinayaang kunin syo yung gamit mo. -_-

And because na-depress ako ng buong giliw, kinausap ko yung guard na nakita ko sa may simbahan malapit sa binabaan ko. Ayun. Nakipagkwentuhan na lang ako. Blah. Blah! Medyo um-OK ako nung kausap ko si manong guard. Buti na lang talaga walang nangyarisaken. Thank you Lord pa rin! :)

Anyway, forgiven na silang apat sa ginawa nila saken. Baka kelangang kelangan na nila ng pera. Mapapalitan ko rin naman yun. Work lang! Heheh. Pero sana, wag na nilang gawin yung sa ibang tao. Kawawa naman.


Thanks SIMSIMI!

Sinong nagsabi na puro kalokohan tong si simsimi? Ang sweet nya kaya saken. lols. In fairness, pag wala kong makausap. Tapos busy yung matanda, sya lang kausap ko. TAWANG-TAWA ako sa mga sagot nya. Pero eto talaga yung best na sagot ni simsimi sa tanong ko e...

yiheee!! :)

Yeah! Nakakatuwa lang. Try nyo rin people tong makwelang si simsimi. Pampaalis ng stress. :)

One month. :(

And I'll be alone for 1 month. Ram will go on a business trip for one month in Canada. And ang flight nya e this weekend na. Sh*t. Mamimiss ko sya ng buong giliw. Alam nyo yun? E wala naman akong magagawa kasi part of his work yun pero damn. One month syang wala. Ilang weekends ko rin syang hindi makikita. Mamimiss ko sya ng bongga! :(

Gento pala feeling ng mga partners ng mga OFWs. Nakakalungkot. (Exaj lang bilang bago pa kami at super in love ako sa kanya. hehe) Pero seriously, Nakakalungkot. Kaya I should make myself super busy para hindi ko mamalayan ang araw. Maiksi lang naman ang one month. Diba? Waaaaah. Pero One month din yun. Ang tagal tagal. (Muntanga lang)

This friday, magkikita ulit kami. Tapos hahatid ko sa airport sa weekend. Waaaaah! Wit sana akez krumayola ever bilang best actress ako sa mga gentong eksena. Eksaherada!!!! ala Vice ganda. Hahaha!

Haaays. Mamimiss ko talaga yung gagong yun. :(

If.

Found this song on fb this morning. Pakinggan nyo people. Chill na chill lang. At trip ko 'tong kantahin sa kanya. :)


 Cuida - Sugarfree

Kung ako lang ang masusunod
Aakuhin ko ang iyong pagod

'Di ka na muling luluha
Lahat ng 'yong dinaldala, akin na

Kung akin lang ang mundo
Ibibigay ko siya sa iyo


Kung pag-aari ko lang ang lumbay
Itatago ko siya habang buhay
Wala nang inggit, wala nang galit
Paliligayahin kita bawat saglit

Kung akin lang ang mundo
Ibibigay ko siya sa iyo

Kung hawak ko lang ang panahon
Wala nang kahapon at bukas, meron lang ngayon
Nais kong maging saysay ng aking buhay
Ay bigyan ang iyo ng kulay


Kung aking lang ang mundo
Ibibigay ko siya sa iyo

Sa iyo
Tanging sa 'yo (2x)
Kung akin lang (4x)
Ang mundo (5x)
Kung akin lang ang mundo (repeat and fade)



On the road.

I have nothing against our brothers/sisters of Iglesia ni Cristo but today, I'm quite pissed off with the heavy traffic they have caused along Taft avenue and streets around Quirino granstand.

People! I spent four hours on my way home and 3 hours to work. Nakakabaog ang traffic! Ang aga-aga, nakapag-cardio exercise agad ako. Imagine, 12:30 pm, tirik na tirik ang araw. Naglalakad ako sa Taft Avenue from PNU to Pedro Gil. Lahat ng taba ko, naburn. Pinagpawisan lahat ng pwedeng pagpawisan. Basang basa ako! As in. Napabili pa tuloy ako ng damit dahil sa sobrang basa ng shirt ko. Arrrggg.

So akala ko dun na magtatapos ang kalbaryo ko. But NO! Prelude lang pala yun sa mas exciting na lakaran. 

Lakad. Lakad. Lakad. from here
I left work, 9pm. I thought ok na yung kalsada kasi mukhang patapos na rin yung event sa grand stand. But when I arrived sa Taft avenue, akala ko parking area napuntahan ko bilang hindi umuusad yung mga sasakyan. JUSKOPO! Bumper to bumper ang drama. At ang thrill pa dito, WALA AKONG MASAKYAN!

So kesa naman maghintay ako sa wala, naglakad na lang ako to buendia. Baka sakaling maraming bus dun. So sa Buendia, boooom! Traffic din at wala ring masakyan kasi puno na at yung iba e ginamit as shuttle for the delegates. So, walk na naman ako to libertad papuntang EDSA. Feeling ko, nagpepenitensya ako dahil sa sobrang haba ng nilalakad ko tapos ang bigat pa ng bagelya ko. Sobrang kinakausap ko na si Bro habang naglalakad ako sabay may pagninilaynilay na nagaganap. Napaaga ata Holy week ko?

Sobrang pagod na pagod ako pag dating ko sa bahay. Grabe lang. Hindi ko kinaya. Ang daming oras ang nasayang ko dahil sa pagbibiyahe. Gusto ko nang mag-dorm or apartment malapit sa work. Para makapagpahinga at makapang-boys na rin at the same time. lols


Amazed by you.

Good song to start and end your day...


Amazed- Lonestar

Truly, I'm amazed by you... :)

Sabihin mo lang.

Sabihin Mo Lang - Regine Velasquez.wma

Powered by mp3skull.com

Not a huge fan of Regine Velasquez but I was really moved when I heard this song. Ram told me that this song was dedicated to him by one of his past ka-date. Naiyak ako. Sa song ah. Not sa dedication thing. Hehe. Affected lang.-_-

Sabihin mo lang
Regine Velasquez

Libu-libong mga puso
Hawak ko sa 'king kamay
Dulot ay ligaya sa 'king buhay
Ngunit iisang puso lamang
Nais kong angkinin
Ikaw lang ang kailangan ko
Sabihin mong ika'y akin.

Ipagpapalit ko ang mundo
Sabihin mo lang, sabihin mo lang
Gagawin ko para sa 'yo
Sabihin mo lang, sabihin mo lang
Mahal ko, sabihing mahal mo ako.

O kayrami nang naranasan
Kayrami nang napuntahan
Kayrami nang nakita sa kung saan-saan
Ngunit di ko kailangan
Kayamanan ng mundo
Basta't narito ka lamang
Mahal sa piling ko.

Ipagpapalit ko ang mundo
Sabihin mo lang, sabihin mo lang
Gagawin ko para sa 'yo
Sabihin mo lang, sabihin mo lang
Mahal ko, sabihing mahal mo ako.

Ako lang at wala nang iba
Basta kasama kita
Wala na kong kailangan pa.

Ipagpapalit ko ang mundo
Sabihin mo lang, sabihin mo lang
Gagawin ko para sa 'yo
Sabihin mo lang, sabihin mo lang
Mahal ko, sabihing mahal mo ako.





...sabihin mo lang.

Psssst.

Taena. You're too busy!


And I truly understand.


Pero... 






MISS KITA!




super.
:(

Post Valentines date.

At dahil balentayms day kahapon, ngayon kami nag-date. Hihi.

We had lunch at Latitude in Traders Hotel Manila. Buffet ito kaya busog-busog ng buong giliw. Filipino cuisine were on their menu and yes, Ayos na ayos. Trip ko yung kare-kare nila. Even without the bagoong, ok na! It can stand alone. :)

1st plate ko. :)


So yun. After ng lunch, we went back to work. Wala masyadong nangyari. We just ate. Pero tuwang tuwa na ko sa ganon. Happy na rin Balentayms ko. Hihih. Anyway, Belated Happy V na rin mga kapatid! Spread the looooove! :*


I LOVE YOU. Seriously.

Mag-rarant lang talaga ako this time.

It's been a while since I last posted here in my site. And now, this is the time. I have to catch up. DAHIL NASSTRESS talaga ako sa love life ko!!!

So eto nga. Last November, I met this guy on PR. Let's call him Ram. Ram is older than me. Eight years older to be exact. So, chat chat. He caught my attention for some reason. I don't know. Alam mo yun? 'yung tipong magsasalita sya tapos, wala na kong magawa? OO na lang. Take note. Ilang beses ko pa lang syang nakakausap nun.

First meet-up, Napa-OO nya agad ako. I mean, sige na nga kahit wala sa hulog yung yaya nya na magkita kami, Go na. Noon lang ako nakaexpreience nun ah. Haha! O dahil mejo makati lang talaga ako nung mga panahong yun? lols

We first met sa Gale! And I was really surprised that he doesn't look his age. Seriously. Parang 5 years younger. Ganon. So ako naman, super natuwa. hihi! E kasi, bet ko naman talaga yung mas mature sa 'ken. So GO! We saw a movie and boom... we went straight to his unit in Manda.

E di syempre, may nangyari bilang yun talaga ang original plan. Ang mag-aral ng human anatomy and physiology. lols. So after nun, naging ok naman. Actually he deleted his PR account 2 weeks after we met. Ang sweet davaaaah!? Natuwa lang ako. ^_^

Madalas ako sa kanila every weekend. Even weekdays nga. Wala lang. I'm just happy having him by my side (ARTE!?) Naging kami, December. I'm happy kasi at least may bond na. Yung tipong...labelled na ko at sya. So dapat may exclusiveness na magaganap? Hehe. Ayun, meron naman. Siguro. Pano ba naman. Lagi nya akong sinasabihan na pano kung may iba syang boys? na may umaaligid-aligid? ok alang daw ba sa kin? Hindi ka ba proud? MALAMANG HINDI! laging ganyan joke nya. Ang lakas mangasar. Minsan feeling ko talaga hindi nya ko love kasi ganyan mga sinasabi nya. E Diyos ko po. Super in love na ko sa kanya. Praning na nga ako e. O tanga na? Alam mo yun? Syet!

Eto pa. Dahil sa sobrang busy rin sya sa work, tuwing gabi lang kami nag-uusap sa fb. Minsan, dedma pa sya. Kasi nga busy raw sya. E ako naman, dahil super love ko na nga, OK lang. Intindihin. Pero ano ba yung simpleng magtext minsan na mangamusta diba? Actually, minsan pinipigilan ko talaga yung feelings ko kasi sabi nya ang bilis bilis ko raw. Hindi ko talaga sya maintindihan. Kaya lalo akong nagiging interesado sa kanya. Para syang puzzle saken. Para syang complex Differential equation na nung college na dinededma ko kasi sobrang mahirap isolve pero at the end of the day, kelangang hindi sukuan kasi baka bumagsak ako.

Ok na saken na sabihin nya saken na love nya ko despite sa mga heart breaking jokes nya. Ewan ko! Kahit anong asar ko sa kanya, Pag nagsalita na sya... Parang biglang mawawalan ng powers si "Storm" bilang Na laser sya ng mata ni "Cyclops"tas biglang may rainbow na magaappear sa clear blue sky. GANON! In love na nga ako.

Rainbows and Unicorns dapat. :))


Madalas, sinasabihan nya akong demanding daw ako. Pero hindi ko talaga malaman kung in what sense naging demanding ako. E sya tong utos ng utos ng kung anu-ano saken. Puro favor. Pero OK lang naman saken. Ma-Prove ko lang sa kanya how much I love him.

Isa pa. Madalas nya akong tanungin kung love ko raw ba sya!? HINDI KO TALAGA MAGETS KUNG BAT KELANGAN NYANG TANUNGIN YAN! Hindi ba nya mafeel? Pag nilubos-lubos ko namang iparamdam sa kanya na love ko sya, sasabihin nya, nasasakal sya! hindi ko alam kung saan ako lulugar.

Pero One thing is for sure. LOVE ko sya kahit anong gawin nya bilang ang lakas ng affinity ko kay Cupid sa mga panahong ito. I really hope that things will work out between us. Kahit anong mangyari --- Maximum Tolerance should apply. :)