Syet! Nabiktima ako ng ipit gang sa bus kanina. :(((
Nakuha yung phone ko (Samsung Galaxy Y). Nakakainis. Ganon pala yung diskarte nung mga yun?
Gento kasi yung nangyari...
Sa bus, halfway na ko sa trip ko nang biglang may mga sumakay na mga mama. Hindi ko maalala kung san sila sumakay bilang may kausap ako sa phone na friend ko. Take note, nakaheadset ako nun. So yun. Malikot sila. palipatlipat ng pwesto. Kung saan saan tumitingin. Nagsusurvey kumbaga. Mga mukhang construction workers sila e. E ako naman, bilang nakaexperience na rin akong maholdup sa jeep, mejo vigilant na ko sa mga gentong eksena. So dahil nga ganon na yung kinikilos nung mga mama, sinecure ko na gamit ko. Pababa na ko, tapos ko nang kausapin yung friend ko so nagpatugtog na ko using may phone--nang nakaheadset.
So Pagbaba ko, biglang nagtayuan din yung dalawang mama sa harap ko. At dalawa pang mama sa likod ko. Nang malapit na ko sa may driver, huminto yung dalawa sa harap ko. Tapos inipit ako nung nasa likod ko. Tinanong ako nung isa sa harap ko kung bababa ako. Sabi ko, OO! Tapos hinawakan nya bag ko (Nasa backpack ko yung lappy ko tsaka mga important documents) tapos sinabi nya na..."itaas mo bag mo! itaas mo!". Bilang masunurin akong bata, At hindi ako makasingit sa kanilang dalawa sa harap ko dahil nakaharang nga naman yung bag ko, ITINAAS KO NGA YUNG BAG KO! Ang gulo sa bus nung time na yun. Nakakataranta. Kasi nga baka lumagpas ako pag hindi ako dumaan. So maya-maya, Binaba na rin nung lalaki yung bag ko na hawak ko rin naman. Tapos bumaba ako with me thinking na--"anong problema nila". Pagbaba ko, sinalpak ko ulit yung earphones ko and I was shocked dahil wala ng tugtog. Kinapa ko yung phone ko sa left pocket ng pants ko, WALA NA!
Tapos naisip ko na baka yung apat na yun yung kumuha ng phone ko. E nakita ko silang pasakay ng tricycle. Hinabol ko ngayon! Action star lang. Sabi ko sa kanila... "Akin na phone ko! chever chever!" andami kong sinabi. Paulit-ulit!
"Umalis ka na jan! nakakaabala ka!" sabi nung isang mama habang pinapakiusapan ko sila. Aba! pinagmukha pa kong tanga nang sabihin sakin na andun sa bus yung phone ko. Sumakay daw ulit ako! Syet lang! Tapos bigla akong natauhan na pano kung saksakin ako nito dahil sa ang kulit ko. So I let them GO! Umalis sila sakay nung tricycle. mga ilang minuto rin akong paulit-ulit na kinukuha yung phone ko sa kanila. Pero failed. Hindi ko nakuha.
Nakakaiyak pala yun no! hahah! Pag narealize mo na kung pano kung may mangyari sayo kasi hindi mo na hinayaang kunin syo yung gamit mo. -_-
And because na-depress ako ng buong giliw, kinausap ko yung guard na nakita ko sa may simbahan malapit sa binabaan ko. Ayun. Nakipagkwentuhan na lang ako. Blah. Blah! Medyo um-OK ako nung kausap ko si manong guard. Buti na lang talaga walang nangyarisaken. Thank you Lord pa rin! :)
Anyway, forgiven na silang apat sa ginawa nila saken. Baka kelangang kelangan na nila ng pera. Mapapalitan ko rin naman yun. Work lang! Heheh. Pero sana, wag na nilang gawin yung sa ibang tao. Kawawa naman.
two worlds
5 years ago
1 comments:
grabe talaga those kawatan noh? (articles?) imbudo! mejo nakaka-relate ako sayiz 'jan teh. hayuf 'yang mga 'yan. hindi na lang magbanat ng buto. mapapalitan naman 'yung nakuha sa'yo. :) mwahlaplap!
Post a Comment