I have nothing against our brothers/sisters of Iglesia ni Cristo but today, I'm quite pissed off with the heavy traffic they have caused along Taft avenue and streets around Quirino granstand.
People! I spent four hours on my way home and 3 hours to work. Nakakabaog ang traffic! Ang aga-aga, nakapag-cardio exercise agad ako. Imagine, 12:30 pm, tirik na tirik ang araw. Naglalakad ako sa Taft Avenue from PNU to Pedro Gil. Lahat ng taba ko, naburn. Pinagpawisan lahat ng pwedeng pagpawisan. Basang basa ako! As in. Napabili pa tuloy ako ng damit dahil sa sobrang basa ng shirt ko. Arrrggg.
So akala ko dun na magtatapos ang kalbaryo ko. But NO! Prelude lang pala yun sa mas exciting na lakaran.
Lakad. Lakad. Lakad. from here |
So kesa naman maghintay ako sa wala, naglakad na lang ako to buendia. Baka sakaling maraming bus dun. So sa Buendia, boooom! Traffic din at wala ring masakyan kasi puno na at yung iba e ginamit as shuttle for the delegates. So, walk na naman ako to libertad papuntang EDSA. Feeling ko, nagpepenitensya ako dahil sa sobrang haba ng nilalakad ko tapos ang bigat pa ng bagelya ko. Sobrang kinakausap ko na si Bro habang naglalakad ako sabay may pagninilaynilay na nagaganap. Napaaga ata Holy week ko?
Sobrang pagod na pagod ako pag dating ko sa bahay. Grabe lang. Hindi ko kinaya. Ang daming oras ang nasayang ko dahil sa pagbibiyahe. Gusto ko nang mag-dorm or apartment malapit sa work. Para makapagpahinga at makapang-boys na rin at the same time. lols